ATM Scam

posted in: News | 0
Spread the news. Share!
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

“Mag-ingat sa paggamit ng ATM”

 Baka maging biktima kayo ng ATM Scam

Mag-ingat po sa mga ATM scam. May balita na yung client ng BPI ay nawithdraw po halos ang mga pera niya. Nawithdraw and mga pera niya sa ibat-ibang lugar. Dahil may limit ang pag-withdraw ng pera sa ATM. Hinintay ng 12:30am para next day agad at pwede na siyang mag-withdraw ulit. Ang dami pong mga paraan na ginagamit para maiscam yung inyong ATM. Halimbawa nalang yung sa “Palit ATM” pwede ninyo panoorin dito sa post na ito.┬áKapag minsan may mga taong sa palagay mo nagmamagandang loob ngayon pala ay may balak na masama sa inyo. Sasabihin nila kunwari may naiwan ka ng pera at syempre babalik ka naman. Sasabihin na i check mo yung balance mo tapos hindi mo man mapapansin na na palitan na pala yung ATM Card. May mga look out pa yan na titingin ng PIN(Personal Identification Number) mo.Kaya dapat maging alisto sa paglalagay ng PIN mo at baka makita ng kawatan. Ito ay paalala lang sa mga kababayan nating naghihirap ng maghanap-buhay tapos bigla nalang kukunin ng mga kawatan. Panoorin ninyo itong susunod na video kung papano mga modus operandi nila.

ATM Scam video

Dapat din po tayong mag-ingat sa mga ATM na may naka installed na devices. Ang mga devices na ito ay idinidikit sa ATM Machine at hindi mo man mapapansin ito dahil kamukhang kamukha ng nasa orihinal na machine. Nilalagyan ito ng keypad na halos kamukha ng orihinal at kamera na hindi mo man mapapansin dahil sa liit ng bukas. Tignan ang video na ito para magkaroon ng ideya kung papano ma check and ATM machine.

 

UH: Tips kontra ATM scams

 

Source: https://anc.yahoo.com/news/bpi-clients-warned-vs--atm-scam-140258336.html

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.